'Mangkukulam' kinatay ng bilas
May 7, 2003 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Animoy kinatay na hayop ang katawan ng isang 51-anyos na mister makaraang pagtatagain ng sariling bilas sa pag-aakalang mangkukulam ang biktima sa Purok Singko, Barangay Alwihao sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Halos humiwalay ang ulo sa katawan ni Eleuterio Talento, may asawa, matapos na sunud-sunod tagain ng kanyang bilas na si Nestor Espina, 42, tubong Barangay San Jose, San Vicente, Camarines Norte.
Napag-alaman na bago pa maganap ang krimen ay namatay ang isang kamag-anak ng suspek dahil sa paniniwalang kinulam ng biktima.
Lalong nagalit ang suspek ng kumpirmahin ng albularyo na kulam ang ikinamatay ng kanyang kamag-anak na hindi nabatid ang pangalan.
Agad na kinuha ng suspek ang itak bago tinungo ang bahay ng biktima bandang alas-3:35 ng hapon saka pinagtataga ang mga tanim na halaman.
Ayon pa sa ulat, namataan ng suspek ang biktima na naglalakad sa bakuran ng kapitbahay at sinalubong nito nang halibas ng itak hanggang sa duguang bumulagta ang biktima. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest