Carnap leader dedo sa shootout
May 6, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Isang kilabot na leader ng karnaping na pinaniniwalaang may modus operandi sa Batangas ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa pulisya sa pinagkukutaang bahay sa bayan ng Padre Garcia, Batangas kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Doctor Rosales General Hospital si Manolito "Lito" Lacerna, lider ng Lacerna carnap group.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang shootout bandang ala-1 ng hapon makaraang hindi sumuko si Lacerna sa pulisya habang isinisilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Lipa City Regional Trial Court Judge Avelino Demetria, Branch 85.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa pinagtataguan ni Lacerna kaya naman agad na kumuha ng warrant of arrest ang pulisya.
Imbes na sumuko ay nakipagbarilan si Lacerna sa mga nakapalibot na pulisya sa kanyang bahay hanggang sa mapuruhan ito.
Kasalukuyan pang tinutugis ng pulisya ang mga kasamahan ni Lacerna sa hindi tinukoy na bayan sa Batangas. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended