^

Probinsiya

Resbak ng militar: 13 MILF patay

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao – Rumesbak naman ang tropa ng militar makaraang mapatumba ang labintatlong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa magkahiwalay na engkuwentro sa Matanog, Maguindanao kamakalawa.

Sa pahayag ni Major General Generoso Senga, commander ng Army’s 6th Infantry Division, unang naganap ang engkuwentro matapos na tambangan ng mga rebelde ang trak ng 603rd Brigade patungo sa Camp Abubakar sa kahabaan ng Narciso Ramos Highway sa Barangay Campo Dos, Matanog.

Gumanti naman ng sunud-sunod na putok ang kasunod na trak ng militar mula sa bayan ng Parang hanggang tumagal ng isang oras ang engkuwento na ikinasawi ng walong rebelde.

Makaraang matunugan ng mga rebelde na papalapit na ang tropa ng militar ay nagpulasan sa iba’t ibang direksyon.

Ayon sa mga lokal na opisyal ng pamahalaang Matanog na karamihang nasawi ay pawang kabataang ni-recruit ng MILF sa ilalim ni Al-Haj Murad, chairman ng MILF peace panel.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ay ang 7.62 FAL sniping rifle, G-1 rifle, mga balang 40-MM, B-40 at two-way radio.

Habang nakikipagbarilan ang tropa ng mililtar sa Barangay Campo Dos ay sinalakay naman ng MILF rebels ang detachment ng militar malapit sa Barangay Sapad, Matanog, Maguindanao.

Agad namang pinabulagta ng mga sundalong sniper ang limang rebelde na nagtangkang lumundag sa perimeter fence ng kampo.

Mabilis, namang nagsiatras ang mga rebelde matapos na mawalan ng bala, ayon sa mga nakasaksi. (Ulat ni John Unson)

AL-HAJ MURAD

BARANGAY CAMPO DOS

BARANGAY SAPAD

CAMP ABUBAKAR

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MAGUINDANAO

MAJOR GENERAL GENEROSO SENGA

MATANOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with