^

Probinsiya

Tower ng NAPOCOR,pinasabog ng MILF

-
CAMP AGUINALDO Dalawang malakas na pagsabog ang yumanig sa tower ng National Power Corp. (Napocor) matapos sumambulat ang itinanim na bomba ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Makilala, North Cotabato kamakal



Batay sa ulat, tinatayang umaabot sa P2 milyong ari-arian ang napinsala sa insidente matapos na bumagsak ang KV 138 at transmission tower 43 ng Napocor na matatagpuan sa bisinidad ng Laguda plantation sa Brgy. Saging, Makilala.

Napag-alaman na unang narinig ng mga residente ang malakas na pagsabog dakong alas-12:15 ng madaling-araw at nasundan pa pagkalipas ng ilang minuto.

Mabilis namang nagresponde sa nasabing lugar ang magkakasanib na elemento ng Explosives Ordnance Team ng pulisya at Phil. Army pero hindi na inabutan ang mga rebelde.

Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang dalawang hindi pa sumasambulat na bomba na mayroong 400 gramo ng anzomex primer na nababalutan ng 42 talampakang haba ng detonating cord.

Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon na bago naganap ang pagsabog ay ilang kahina-hinalang kalalakihan ang namataang lumiligid sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso habang puspusan din ang pagtugis sa mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BATAY

BRGY

DALAWANG

EXPLOSIVES ORDNANCE TEAM

JOY CANTOS

MAKILALA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORP

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with