Pulis di nagbayad ng bill ng motel, inireklamo
May 3, 2003 | 12:00am
Antipolo City Isang pulis ang ipinagharap kahapon ng reklamo ng isang motel owner matapos nitong takbuhan at hindi bayaran ang bill na kanilang nakonsumo ng ka-date nitong babae makalipas mag-check-in sa lungsod na ito.
Kinilala ni P/Chief Inpector Delia Quidato, Station 1 Commander ang ipinagharap ng reklamo na si SPO1 Ronald Garcia, nakatalaga sa Police Regional Mobile Group ng Police Regional Office (PRO) 3 sa Camp Olivas Pampanga at residente ng #21 Benelisa Compound, Brgy. Ampid, San Mateo, Rizal.
Base sa reklamo ni Stanley Sison, may-ari ng Aramis Lodge dakong alas-11:55 pa umano ng tanghali nitong Huwebes nang magcheck-in si Garcia sa kanilang motel kasama ang isang babae na nagngangalang Winnie Gases, 24-anyos ng Mabini St., Isabela, Cagayan.
Matapos magcheck-in ay umorder pa umano ng umorder ng makakain at maiinom na alak ang nasabing pulis.
Pagkalipas ng dalawang araw ay nagpaalam umano ang pulis at nagsabing kukunin lamang niya ang perang kanyang sahod sa Camp Crame para bayaran ang kanilang bill kung saan ay iniwan nito si Gases.
Subalit matapos ang mahabang oras na paghihintay ay hindi na umano nagpakita si Garcia at maging ang babaeng kasama nito ay hindi man lamang niya kinokontak kayat nagpasyang magreklamo si Sison sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
12 hours ago
Recommended