Guro ni-rape bago pinatay
May 2, 2003 | 12:00am
OCAMPO, Camarines Sur Pinaniniwalaang napagtripang halayin bago patayin sa saksak ang isang guro ng elementarya ng hindi kilalang adik na natagpuan ang bangkay sa madamong bahagi ng Barangay San Vicente sa bayang ito kahapon ng umaga.
Ang bangkay ng biktimang si Carmelita Victoria, 34, may asawa, guro sa Bolo Elementary School sa Sangay, Camarines Sur ay nadiskubre dakong alas-6:30 ng umaga sa bakanteng lote ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na huling nakitang buhay si Victoria na sakay ng traysikel patungo sa Naga City para kumuha ng suweldo.
Nakapagturo pa sa eskuwelahan ang biktima at hindi na muling nakauwi ng kanilang bahay, ayon sa pulisya.
Hindi naman kinuha ng killer ang pera at mga alahas ng biktima na pinaniniwalaang kakilala nito ang nagsagawa ng krimen kaya tinuluyan.
Nabatid pa sa pulisya na hindi naman kinuha ang suweldo at alahas ng biktima kaya hindi maituturing na robbery at ang sinisilip na anggulo ay adik sa droga ang gumawa ng pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended