Playboy na konsehal ipinakulong ni misis
May 2, 2003 | 12:00am
BASUD, Camarines Norte Isang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet ang inaresto ng pulisya makaraang ireklamo ng sariling misis sa kasong pambababae kamakalawa ng hapon.
Sa ipinalabas na warrant of arrest ni Municipal Trial Court Judge Wilfredo Herico, dinakip si Felix Peyet" Pedron, 52 sa pansamantalang tirahan sa Barangay Dos Pasig sa bayang ito.
Mahinahon namang sumuko si Felix sa mga awtoridad bandang ala-1 ng hapon matapos na sampahan ng kaso ng sariling misis na si Ligaya Pedron, 48, negosyante at residente ng Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte.
Nagsampa ng demanda si Ligaya laban sa kanyang mister matapos na kumalat ang balitang may kinakasamang ibang babae si Felix.
May dalawampung oras ding nagdusa sa kulungan si Felix bago makalaya dahil nagpiyansa ng halagang P6,000.
Pinabulaanan naman ni Felix ang akusasyon sa kanya ng sariling misis. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended