^

Probinsiya

SBMA, handa sa SARS virus

-
SUBIC BAY FREEPORT – Isang "false alarm" lamang at walang dapat na ipangamba ang mga empleyado at residente sa Freeport maging sa lungsod ng Olongapo at Zambales kaugnay sa mabilis na pagkalat ng balita tungkol sa "Severe Acute Respiratory Syndrome" (SARS).

Bunga ng napaulat na isang 39-anyos na Taiwanese ang unang biktima ng SARS virus ay isinugod sa Total Life Care (TLC) Medical Center sa Olongapo City noong Abril 25, 2003 matapos na lagnatin at ubuhin.

Dahil sa pangambang nagtataglay ng SARS virus, agad inilipat sa Bataan General Hospital (BGH) ngunit hindi tinanggap ng mga medical staff at walang naglakas ng loob na suriin ito dahil sa sobrang takot na mahawaan sila, ayon kay Dr. Rio Magpantay, Medical Officer 7 ng Department of Health-Regional office 3 sa San Fernando, Pampanga at isa sa mga sumuri sa Taiwanese.

Inirekomenda naman ng DOH-Region 3, ang Taiwanese sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital (JBLMRH) at nagpadala ng ilang quarantine medical officer at ambulansiya sa loob ng Subic Bay Freeport at hindi nagtagal ay inindorso ito na dalhin na lamang sa San Lazaro Hospital at sa Research Institute for Tropical Medical (RITM) sa Alabang.

Lumalabas sa pagsusuri na hindi SARS virus gaya ng unang napaulat ang sakit ng Taiwanese.

Ayon kay SBMA Chairman Felicito Payumo, mahigpit na seguridad ang ipinaiiral ngayon upang hindi makapasok sa Subic Bay Freeport ang mga dayuhang turista na nagtataglay ng SARS virus. Aniya, sumasailalim ngayon sa quarantine test ang lahat ng mga dayuhan na pumapasok sa naturang Freeport. (Ulat ni Jeff Tombado)

BATAAN GENERAL HOSPITAL

CHAIRMAN FELICITO PAYUMO

DR. RIO MAGPANTAY

JEFF TOMBADO

JOSE B

LINGAD MEMORIAL REGIONAL HOSPITAL

MEDICAL CENTER

MEDICAL OFFICER

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with