Sulyap Balita
April 29, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Isang pamilya na kinabibilangan ng anim na miyembro ang namatay makaraang anurin ang bahay ng mga biktima ng tubig-baha sa Sitio Makangay, Kiblawan, Davao del Sur noong Sabado ng gabi.
Kinilala ni Lt. Col. Renoir Pascua, ang mga nasawing mag-asawang Danilo at Judith Patiluna at apat nilang anak na narekober ang bangkay kahapon ng umaga.
Ayon kay Pascua na ang bahay ng pamilya Patiluna ay nakatayo sa gilid ng ilog na sakop ng Sitio Makangay at pinaniniwalaang natutulog ang mga biktima nang umapaw ang tubig. (Ulat ni Roel D. Pareño)
Rodriguez, Rizal Dahil sa Pangangantiyaw ng SARS virus ang naging ugat ng kamatayan ng isang 49-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang kapitbahay sa Montana Subdivision, Barangay Burgos sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Sr. Insp. Anastacio Benzon, police chief ng naturang bayan ang biktimang si Danilo Maniego ng Block 11 Lot 17, Apo St. ng naturang lugar, samantala, boluntaryong sumuko ang suspek na si Reymund Azarias, 47, matapos ang krimen na naganap dakong ala-1:30 ng hapon.
Sa inisyal na ulat ni PO2 Edwin Ignacio, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa nang magbiro ang biktima na may SARS virus ang suspek na ikinagalit naman hanggang sa maganap ang pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)
OCAMPO, Camarines Sur Isang 20-anyos na misis ang iniulat na nasawi, samantala, ang kanyang mister naman ay malubhang nasugatan makaraang pagtatagain ng nakatatandang kapatid ng huli habang ang mag-asawa ay nagpapahinga sa sariling bahay sa Barangay Villa Florida sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Si Josephine Perez ay nagtamo ng maraming sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan, samantala, ang asawang si Nestor Perez, 22, ay ginagamot sa Bicol Medical Center.
Mabilis namang tumakas ang suspek na si Severino Perez Jr., 37, may asawa ng nabanggit na barangay matapos isagawa ang krimen bandang ala-1:30 ng hapon. Blangko pa rin ang mga imbestigador sa tunay na motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Casulla)
CAMP AGUINALDO Dobleng kamalasan ang sinapit ng isang trike driver makaraang pagnakawan at karnapin ang minamanehong traysikel ay binaril pa hanggang sa mapatay ng hindi kilalang lalaki sa Sitio Labanan, Angono kamakalawa.
Bandang alas-10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Librado Durante, 45 ng Don Mariano Santos Avenue, Barangay San Isidro sa bayang ito.
Huling nakitang buhay ang biktima na nagmamaneho ng traysikel ilang oras bago matagpuan ang kanyang bangkay sa madamong bahagi ng naturang lugar na may tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido at nakatali ng alambre ang dalawang kamay, ayon sa pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)
Kinilala ni Lt. Col. Renoir Pascua, ang mga nasawing mag-asawang Danilo at Judith Patiluna at apat nilang anak na narekober ang bangkay kahapon ng umaga.
Ayon kay Pascua na ang bahay ng pamilya Patiluna ay nakatayo sa gilid ng ilog na sakop ng Sitio Makangay at pinaniniwalaang natutulog ang mga biktima nang umapaw ang tubig. (Ulat ni Roel D. Pareño)
Kinilala ni P/Sr. Insp. Anastacio Benzon, police chief ng naturang bayan ang biktimang si Danilo Maniego ng Block 11 Lot 17, Apo St. ng naturang lugar, samantala, boluntaryong sumuko ang suspek na si Reymund Azarias, 47, matapos ang krimen na naganap dakong ala-1:30 ng hapon.
Sa inisyal na ulat ni PO2 Edwin Ignacio, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa nang magbiro ang biktima na may SARS virus ang suspek na ikinagalit naman hanggang sa maganap ang pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)
Si Josephine Perez ay nagtamo ng maraming sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan, samantala, ang asawang si Nestor Perez, 22, ay ginagamot sa Bicol Medical Center.
Mabilis namang tumakas ang suspek na si Severino Perez Jr., 37, may asawa ng nabanggit na barangay matapos isagawa ang krimen bandang ala-1:30 ng hapon. Blangko pa rin ang mga imbestigador sa tunay na motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Casulla)
Bandang alas-10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Librado Durante, 45 ng Don Mariano Santos Avenue, Barangay San Isidro sa bayang ito.
Huling nakitang buhay ang biktima na nagmamaneho ng traysikel ilang oras bago matagpuan ang kanyang bangkay sa madamong bahagi ng naturang lugar na may tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido at nakatali ng alambre ang dalawang kamay, ayon sa pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended