Dinukot na propesora laya na
April 29, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Makalipas ang mahigit na dalawang buwang pagkakabihag ay pinalaya na ang dinukot na propesor ng Mindanao State University kamakalawa ng gabi sa bayan ng Piagapo, Lanao del Sur.
Bandang alas-11:30 ng gabi nang matagpuan si Rhede Nelson Justalero Manulat na pinaniniwalaang sadyang pinalaya ng mga kidnaper makaraang makipagnegosasyon ang mga lokal na opisyal ng Marawi City.
Ayon kay Major General Roy Kyamko, Armed Forces Southern Command chief, nasa mabuting kalagayan si Manulat nang matagpuan at kasalukuyang isinasailalim sa tactical debriefing.
Magugunitang dinukot si Manulat ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan noong gabi ng Pebrero 27, 2003 sa gusali ng naturang unibersidad. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am