Sulyap Balita
April 27, 2003 | 12:00am
Si Reynaldo Arandia ay nasapol sa unang bugso ng putok habang ang kanyang mag-inang sina Rosalie, 32, at Enrique Arandia,14, ay inoobserbahan sa hindi tinukoy na ospital.
Nadakip naman ang suspek na si Jeremy Laracat, 25, matapos isagawa ang krimen bandang alas-8:15 ng umaga na pinaniniwalaang may matinding galit sa pamilya Arandia. (Ulat ni Tony Sandoval)
Nadiskubre ang bangkay ni Edito Ito bandang alas-7:30 ng umaga kahapon sa loob ng tinitirhang bahay sa nabanggit na barangay, samantala, hindi naman nakilala ang mga suspek na pinalalagay na lango pa sa shabu.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na bago tumakas ang mga suspek ay kinuha pa ang cellphone, telebisyon, radyo at ibang gamit ng biktima. May teorya ang pulisya na onsehan sa droga ang naging ugat ng krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Kinilala ng pulisya ang mga nasakoteng babae na nagbebenta ng aliw na sina Giselle Castañares, Agnes Llagas, Shiela Mae Tan, Kathlene Rose Realubin, Aida Logranio, Margie Santos, Mercy Alfon, Rosalie Armamento, Ana Marie Ramos, Michelle Reyes, Larcival Vargas, tumatayong bugaw at isang alyas Mama Sang na tumatayong maintainer ng sex den.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na ang mga dinakip na kababaihan ay nagmula sa ibat ibang bayan sa Kabisayaan na pinaniniwalaang ni-recruit saka ipinasok sa naturang lugar. (Ulat ni Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest