Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya na itoy upang magkaroon ng patas na imbestigasyon at hindi maparatangan na minamaniobra ni Palparan ang investigating team.
Kasabay nito, pansamantala namang itinalaga bilang kapalit ni Palparan ang kaniyang deputy na si Col. Johnny Gomez habang itatalaga muna ang sinibak na opisyal sa 2nd Infantry Division (ID) na nakabase sa Tanay, Rizal sa ilalim ng pamumuno ni Major General Efren Abu.
Magugunitang inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagsibak kay Palparan bunsod ng kinasapitan nina Eden Marcellana, Secretary General ng grupong Karapatan at Eddie Gumanoy, Chairman ng KASAMA na nakabase sa Southern Tagalog kung saan walo umanong testigo ang hawak ng departamento na nagtuturo sa mga suspek na militar. (Ulat nina Danilo Garcia/Gemma Amargo)