Heneral na isinasangkot sa pagpatay sa 2 aktibista sinibak
April 26, 2003 | 12:00am
Camp Aguinaldo Sinibak na sa kanyang puwesto si 204th Army Brigade Commander Col. Jovito Palparan habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon kaugnay ng akusasyon ng mga militanteng grupo na ito ang mastermind sa pagdukot at pagpatay sa dalawang aktibistang lider sa lalawigan ng Oriental Mindoro kamakailan.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya na itoy upang magkaroon ng patas na imbestigasyon at hindi maparatangan na minamaniobra ni Palparan ang investigating team.
Kasabay nito, pansamantala namang itinalaga bilang kapalit ni Palparan ang kaniyang deputy na si Col. Johnny Gomez habang itatalaga muna ang sinibak na opisyal sa 2nd Infantry Division (ID) na nakabase sa Tanay, Rizal sa ilalim ng pamumuno ni Major General Efren Abu.
Magugunitang inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagsibak kay Palparan bunsod ng kinasapitan nina Eden Marcellana, Secretary General ng grupong Karapatan at Eddie Gumanoy, Chairman ng KASAMA na nakabase sa Southern Tagalog kung saan walo umanong testigo ang hawak ng departamento na nagtuturo sa mga suspek na militar. (Ulat nina Danilo Garcia/Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended