Batangas councilor grabe sa ambush
April 26, 2003 | 12:00am
Tanauan City, Batangas Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang municipal councilor ng lalawigang ito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman na hinihinalang hired killer sa parking lot ng isang grocery store sa lungsod kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa CP Reyes Hospital ang biktima na si Rene Eugenio, 40-anyos, residente ng Poblacion at konsehal sa Bayan ng Talisay matapos magtamo ng grabeng tama ng bala sa ulo mula sa .45 caliber pistol.
Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap sa parking lot ng TSM grocery sa Poblacion, Brgy. 6, Tanauan City bandang alas-7 ng gabi habang si Eugenio kasama ang asawa nito at tatlong anak ay pasakay sa kanilang owner type jeep nang lapitan ng salarin at agad na pagbabarilin.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng isang kulay puting Toyota Corolla na may plakang WLS 453 na may tatlo pang nakasakay na lalaki kung saan mabilis ang mga itong tumahak patungo sa direksiyon ng Bayan ng Sto. Tomas.
Pinaniniwalaan namang pulitika ang motibo ng insidente habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso. Narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala ng .45 caliber pistol na siyang ginamit sa pamamaslang. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest