Supervisor ng AFPSLAI nag-suicide
April 26, 2003 | 12:00am
Antipolo City, Rizal Winakasan ng isang 44 anyos na empleyado ng Armed Forces of the Phil. Savings & Loan Association Inc. (AFPSLAI) ang kaniyang buhay matapos itong mag-suicide sa pamamagitan ng pag-inom ng lason sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Bumubula pa ang bibig ng matagpuan ang biktima na kinilalang si Renato Manuel, umanoy supervisor sa isang departamento sa AFPSLAI nang matagpuan ng pamilya nito sa loob ng kaniyang silid sa kanilang tahanan sa #35 Norfill St., Katarungan Village, Brgy. Mambugan ng nasabing siyudad.
Sinabi ni PO2 Marlito, Rivera, may hawak ng kaso, dakong alas-2 ng hapon ng madiskubre ang umanoy ginawang pagpapatiwakal ng biktima.
Bago umano naganap ang pagpapakamatay ng biktima ay palagi itong nakikitang nakatulala at tila may malalim na iniisip.
Wala namang nakitang suicide note sa tabi ng bangkay ng biktima habang isinailalim na ito sa awtopsiya upang matukoy kung walang naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended