15-anyos isinako bago ipinalibing ng adik
April 25, 2003 | 12:00am
CAINTA, Rizal Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang 15-anyos na dalagita sa kamay ng kanyang live-in partner na adik sa droga makaraang gulpihin at binaril pa sa ulo bago isinako at ipinalibing sa bakanteng lote na sakop ng Sitio Pag-asa, Purok 8, Barangay Sta. Ana, Taytay Rizal kamakalawa.
Nadiskubre bandang alas-5 ng hapon ang naagnas na bangkay ng biktimang si Revelyn Salayog ng block 11 Planters ng nabanggit na barangay.
Samantala, nadakip naman ang mga suspek na pinaniniwalaang binayaran ng P.8 milyon ni Mauricio "Buboy" Escarilla na sina Jonah Buena, Alley Boy Yamit, Alexander Hongco, Sonny Hongco, Roger Felipe at Joseph Alforon na pawang residente ng Taytay at Cainta, Rizal.
Base sa inisyal na pagsisiyasat nina SPO2 Carlos Atanacio Jr. at PO2 Divina Rafael, pinaslang ni Maurico ang biktima dahil sa selos noong Abril 9, 2003.
Para maitago ang krimen sa mga magulang ng babae ay binayaran ni Mauricio ng shabu na katumbas ng P.8 milyon ang mga barkada nitong drug user para ilibing ang bangkay ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended