Tagahatid ng pera, pinatay
April 24, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Isang tagapaghatid ng pera ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay maghahatid ng malaking halaga sa Barangay Mabolo, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.
Walang buhay na bumulagta si Esteban Arsadon, 24, may asawa ng Barangay Sto. Niño, Maligaya, Novaliches, Quezon City.
Base sa ulat ni SPO1 Dante Ordono, naitala ang krimen dakong alas-8:45 ng gabi habang ang biktima ay nagmomotorsiklo patungo sa hindi nabatid na bahay upang mag-deliver ng pera.
Habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng nabanggit na barangay ay hinarang na ito ng mga holdaper bago sunud-sunod na pinaputukan.
Agad na nagsitakas ang dalawang holdaper tangay ang hindi nabatid na halaga.
May palagay ang pulisya na natunugan ng mga killer na may dalang malaking halaga ang biktima kaya inabangan at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended