MILF nanunog uli: 10 bahay, chapel naabo
April 24, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Muli na namang naghasik ng lagim ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang lusubin at sunugin ang sampung bahay at chapel sa Barangay Kigan, Upi, Maguindanao noong Lunes.
Base sa ulat, unang ginawa ng mga rebelde na pagnakawan ang mga residente bago sinilaban ang sampung bahay dahil sa tumangging magbigay ng protection money.
Hindi pa nakuntento sa pagsunog sa sampung bahay ay sinilaban naman ang chapel ng Christian Alliance Church bago pinaputukan ang mga nagrespondeng civilian volunteer.
Dahil sa natunugang may dumarating na reinforcement mula sa Armys 57th Infantry Battalion ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde tangay ang 12 kalabaw na kinulimbat.
Kasunod nito, ibang grupo ng mga rebeldeng MILF ang sunud-sunod na nagpaulan ng bala ng mortar sa bisinidad ng munisipyo ng Pikit, North Cotabato may ilang metro ang layo mula sa mga barracks ng 1201st Police Mobile Group at 1st Marine Brigade ng Phil. Army.
Hindi naman inabutan ng mga nagrespondeng sundalo ang mga rebeldeng nagpaulan ng bala ng mortar malapit sa project site na binisita ni Pangulong Arroyo sa pakikipagdiyalogo sa mga evacuees. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest