3 todas sa road mishap
April 23, 2003 | 12:00am
Muli na namang umusad ang kalawit ni Kamatayan sa tatlo-katao kabilang na ang radio reporter sa naganap na road mishap sa magkakahiwalay na lalawigan kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima na sina Rod Pili, 27, radio reporter ng Bombo Radyo DZNG sa Naga City; Alvino Madrid, 72, ng Barangay Kuatro, Poblacion, Peñaranda, Nueva Ecija at Bernadette Ortega, 9, ng Sitio Dalic, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Batay sa ulat ng pulisya, si Pili na nagmomotorsiklo ay sumalpok sa kotse bandang alas-9:30 ng umaga sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Cadlan, Pili, Camarines Sur.
Si Madrid naman ay nabundol ng dalawang traysikel habang nagbibisikleta sa Barangay Sinisijan, Peñaranda, Nueva Ecija.
Samantala, si Ortega ay aksidenteng nabundol ng traysikel habang tumatawid sa kalsada na sakop ng Barangay Bagong Dalic, Taytay, Rizal. (Ulat nina Francis Elevado/Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am