130 bahay sinunog ng MILF rebels
April 23, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Umaabot sa 130 bahay ang sinunog at pinabagsak ang transmission tower ng Napocor ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa magkahiwalay na bayan sa Maguindanao kamakalawa.
Sinabi ni Major General Generoso Senga, commander ng Armys 6th Infantry Division, isinagawa ang pagsunog sa mga bahay na sakop ng Barangay Andavit at Te sa Datu Piang habang papatakas ang mga rebelde makaraang makipagbarilan sa mga nagpapatrulyang sundalo.
Ayon pa kay Senga, nagsasagawa ng beripikasyon ang mga sundalo ng 37th Infantry Battalion tungkol sa presensya ng mga armadong kalalakihan na nangungolekta ng revolutionary taxes sa mga residente nang magpaulan ng sunud-sunod na putok ang mga rebelde.
Napilitang gumanti ng putok ang tropa ng militar hanggang sa magpulasan ang mga rebelde sa ibat ibang direksyon.
Kasunod nito, pinabagsak naman ng mga rebelde ang transmission tower ng National Power Corporation (Napocor) na nakatayo sa Barangay Kayaga, Buluan, Maguindanao na nagresulta sa malawakang blackout. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended