Subalit pansamantalang pinalaya matapos na walang lumutang na testigo na magdidiin sa mga suspek na pumatay kay Joname Menor, high school student, ayon kay P/Chief Insp. James Afalla, police chief sa bayang ito.
Sinabi pa ni Afalla na pansamantalang inilihim ang mga pangalan ng suspek kabilang na ang kasintahan ng biktima na 15-anyos habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon.
"Ang mga testigong magbibigay-linaw sa kaso ay takot na lumutang dahil sa pangambang balikan ng mga suspek," ani Afalla.
Magugunita na si Joname ay hinarang ng mga suspek na lango sa droga habang naglalakad papauwi mula sa tindahan.
Sinaksak ng 17 beses sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima saka iniwang duguan. (Ulat ni Charlie C. Lagasca)