^

Probinsiya

2 pulis patay sa NPA rebels

-
CAMP CRAME – Dalawang pulis-Leyte ang binaril at napatay ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang mga biktima ay nagsasagawa ng monitoring sa liblib na barangay sa bayan ng Calubian, Leyte noong Biyernes Santo ng hapon.

Sa naantalang ulat na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang mga biktimang sina SPO1 Jesus Lonzaga at SPO1 Rodrigo Sapilan na kapwa nakatalaga sa Leyte Police Provincial Office.

Base sa ulat, naatasan ang dalawang biktima na magsagawa ng intelligence monitoring sa naturang lugar hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan.

Ilan sa mga nakasaksi sa pangyayari na nagsabing tiniyempuhan ng dalawang rebelde na may kausap ang mga pulis saka nilapitan at pinutukan sa ulo.

Sumigaw pa ang isa sa mga rebelde na "huwag kayong matakot, mga pulis din ang kasama namin."

Inilarawan ng mga residente na nasa edad 17 hanggang 21-anyos ang mga rebeldeng naka-suot lamang ng t-shirt at pantalon.

Nagtayo naman agad ng mga checkpoint ang kapulisan para hindi makalayo ang mga rebeldeng nagsitakas. (Ulat ni Danilo Garcia)

BIYERNES SANTO

CALUBIAN

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

JESUS LONZAGA

LEYTE

LEYTE POLICE PROVINCIAL OFFICE

NEW PEOPLE

RODRIGO SAPILAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with