Mayor, 2 konsehal kinasuhan sa Ombudsman
April 21, 2003 | 12:00am
Pormal na kinasuhan sa Ombudsman si Candaba Mayor Normita Evangelista at dalawang konsehal sa kasong paglabag sa graft and corruption.
Isinumite ni Candaba Vice Mayor Daniel Gallardo sa tanggapan ng Ombudsman ang reklamo matapos na matuklasan ang anomalya tungkol sa 500 sako ng bigas na pinaniniwalaang ipinagbili ng nabanggit na alkalde sa mga rice dealer sa Bulacan imbes na ipamahagi bilang relief goods.
Kasunod nito, kinasuhan din ni Gallardo ang dalawang konsehal na sina Francisco Magat at Edgardo Gulapa na pinaniniwalaang nagpalsipika ng resibo makaraang magkunwaring dumalo sa Philippine Councilors League Congress noong Pebrero 21-23 sa isang hotel sa Pasay City. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended