Batay sa ulat ng pulisya, aabot sa 30 armadong rebelde ang sumalakay sa naturang lugar bandang alas-12 ng tanghali bago tinutukan ang mga guwardiyang kumakain.
Hindi na nakuhang makapalag pa ng mga security guard habang pinaligiran naman ang relay tower saka binuhusan ng gasolina at sinilaban.
Napag-alaman pa sa ulat na katatapos pa lamang gawin ng Ericsson Phils. ang sinunog na relay tower para sa karagdagang relay station ng naturang kompanya sa Kabikulan.
May teorya ang mga imbestigador na tumangging magbigay ng revolutionary tax ang may-ari ng nabanggit na kompanya kaya sinilaban ang relay tower na nagsisilbing power station sa buong Kabikulan. (Ulat ni Ed Casulla)