Si Bonifacio Dalon, may asawa, ay pinagbabaril hanggang sa mapatay makaraang lumaban sa mga rebelde na sumalakay sa nabanggit na barangay dakong alas-7 ng umaga.
Samantala, pito namang kabahayan ang sinunog, at ang bodega ng palay at mais na pag-aari ni Rodolfo Tirado Sr. ay binuhusan ng gasolina bago sinilaban.
Napag-alaman pa sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bago pa tumakas ang mga rebelde ay napagtripang barilin at napatay ang isang kabayo habang tinangay naman ang dalawang kalabaw at kabayo.
Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis ang mga tauhan ng pulisya at tropa ng militar mula sa 8th Infantry Battalion ng Philippine Army. (Ulat ni Danilo Garcia)