^

Probinsiya

7 bahay sinunog ng MILF, 1 patay

-
CAMP CRAME – Isang 61-anyos na lolo ang iniulat na nasawi, samantala, pito namang kabahayan ang sinunog makaraang salakayin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Barangay Angga-an, Damulog na sakop ng Bukidnon kamakalawa ng umaga.

Si Bonifacio Dalon, may asawa, ay pinagbabaril hanggang sa mapatay makaraang lumaban sa mga rebelde na sumalakay sa nabanggit na barangay dakong alas-7 ng umaga.

Samantala, pito namang kabahayan ang sinunog, at ang bodega ng palay at mais na pag-aari ni Rodolfo Tirado Sr. ay binuhusan ng gasolina bago sinilaban.

Napag-alaman pa sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bago pa tumakas ang mga rebelde ay napagtripang barilin at napatay ang isang kabayo habang tinangay naman ang dalawang kalabaw at kabayo.

Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis ang mga tauhan ng pulisya at tropa ng militar mula sa 8th Infantry Battalion ng Philippine Army. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY ANGGA

BUKIDNON

CAMP CRAME

DAMULOG

DANILO GARCIA

INFANTRY BATTALION

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PHILIPPINE ARMY

RODOLFO TIRADO SR.

SI BONIFACIO DALON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with