Kinilala ni Supt. Luisito Palmera, Nueva Ecija PNP director, ang naarestong suspect sa pamamagitan ng warrant of arrest na si Miguel Quintin Vallarta Eduardo alyas Ting ng 29 San Miguel Ave., Kapitan Pepe Subd., Brgy. Zulueta.
Sa report ni Chief Inspector Ferdinand Vero, CIDG chief sa lungsod na ito, isang tauhan ni Ting ang boluntaryong sumuko sa kanila at ibinunyag ang kinasasangkutang krimen ng Ting drug ring.
Kaagad kumuha ng warrant of arrest ang mga awtoridad hanggang sa arestuhin sina Ting at tauhan nitong si Edgardo Isonga alyas Wang Yu kung saan ay nakuha sa mga ito ang gamit na shotgun, 9 mm at mga bala.
Bukod sa pagpapakalat ng droga sa lungsod ay sangkot din ang grupo ni Ting sa carnapping at paglikida sa kalaban nilang grupo kabilang ang nakilalang si Bebeng Tomboy na brutal na pinaslang at itinapon sa Sta. Rosa highway.
Kinasuhan ang mga suspects ng drug trafficking, carnapping, kidnapping, murder at illegal posession of firearms. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)