Ang mga nasawi ay sina S/Sgt. Gerry Leo, Cpl. Artemio Dumagpi, Cpl. Adrian Opena, Pfc. Sherwin Gumiran at Pfc. Robinson Agaton na pawang miyembro ng Alpha company ng 22nd Infantry Battalion ng Army sa barangay Tula-Tula.
Sugatan naman sa engkwentro si 1st Lt. Bladimir Sta. Maria at 8 iba pang miyembro ng Alpha company ng 22IB.
Ayon sa ulat ng militar, nakatanggap ng impormasyon ang Army na nagsasagawa ng recruitment ang grupo ni Ka Roger sa nasabing lugar kaya agad na sumugod ang mga sundalo.
Natunugan naman ng mga rebelde ang pagdating ng mga sundalo dakong alas-8:30 ng umaga nitong Huwebes Santo kaya agad na pumosisyon ang mga ito para tambangan ang paparating na militar.
Armado ng M-60 machine gun, M-203 grenade launcher, M-14 at M-16 armalite ang mga rebelde ng paulanan ng bala sa loob ng 3-oras na labanan ang mga militar.
Matapos ang engkwentro ay tumakas ang mga rebelde na sinasabing kinabibilangan ni Ka Roger patungong Guinobatan at doon ay naghiwa-hiwalay upang hindi masundan ng humahabol na militar. (Ulat ni Ed Casulla)