MILF commander, 4 pa tiklo sa militar

Zamboanga City Isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at 4 tauhan nito ang nadakip kabilang ang nasugatan matapos ang engkwentro sa militar kahapon ng madaling-araw sa Davao del Sur.

Ang nahuling MILF commander ng 25th Infantry Batallion ng Army ay si Mujahib Rahid habang ang 4 pang tauhan nito kabilang ang nasugatan ay isinasailalim sa tactical interrogation ng militar.

Ayon kay Col. Alexander Yano ng 601st Army brigade, nagsasagawa ng patrulya ang mga tauhan ng 25th IB dakong alas-5:10 ng umaga kahapon sa Sitio Gusadlo, barangay Saub, Matanao, Davao del Sur ng maka-engkwentro ng mga ito ang nasabing MILF forces.

Napilitan ang mga MILF forces na tumakas makaraang mabatid na nasukol ng mga sundalo ang lider nilang si Rahid.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang ibat ibang malalakas na armas ng mga rebelde kabilang ang rocket propeller grenade. (Ulat nina Joy Cantos/Roel Pareno)

Show comments