Unang nasunog ang pamilihang bayan sa Isabela City dakong alas-2 ng madaling-araw at tumagal ng limang oras bago pa maapula ang pagkalat ng apoy dahil sa kakulangan ng tubig.
Sa naantalang ulat naman ay nagsimula ang sunog sa tindahan na pag-aari ni Mr. Raluyo bago tuluyang kumalat ang apoy sa loob ng palengke sa Naga bandang ala-1:30 ng madaling-araw.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na magkahiwalay na sunog. (Ulat ni Danilo Garcia)
Bandang ala-1:30 ng hapon nang ratratin si Rogerio Rayandayan, 61, ng tatlong armadong rebelde habang nakahiga sa harap ng sariling bahay.
May palagay ang pulisya na iniuugnay ang pamamaslang sa dating trabaho ng biktima bilang paramilitary na lumalaban sa mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)
Si Laureano Ramos, 43, ng Barangay Casile, Llanera, Nueva Ecija ay namatay sa pinangyarihan ng aksidente, samantala, sina Jose Peregrino, 26, ng Barangay Matayong-Tayong, Capas, Tarlac at Victor Ayuste, 39 ay inoobserbahan sa Dr. Paulino J. Garcia Extention Hospital.
Naitala ng pulisya ang pangyayari dakong alas-6 ng gabi, hindi naman nakuha ang numero ng plaka ng dyip dahil sa pinaharurot ng driver. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)