4 todas sa atake ng MILF
April 17, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Apat-katao kabilang na ang barangay chairman ang iniulat na nasawi makaraang lusubin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang detachment ng militar sa Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawing barangay chairman na si Hermie Guzman ng Barangay Poblacion, Kabacan, North Cotabato, samantala, ang tatlong napatay na rebelde ay binitbit ng kanilang mga kasamahan sa pagkatakas.
Ginagamot naman sa Kabacan Specialist Hospital ang mga sugatang sina Herdu Guzman, Claudio Macaya, kapwa barangay kagawad; Cesar Domingo, Hernani Gemenez, Celestino Pagane, Dave Abellera, Bien Milo at Malou Molo.
Base sa ulat ng militar na ipinadala sa Camp Aguinaldo, aabot sa 30 rebelde ang lumusob sa detachment ng 40th Infantry Battalion bandang alas-7:35 ng gabi.
Tumagal ang bakbakan ng kalahating oras bago pasabugin ang transmission line ng National Power Corporation (Napocor).
Kasunod nito, pinasabog naman ng mga rebelde ang water district office na sakop ng Barangay Poblacion na ikinasawi ni Barangay Chairman Guzman.
Wala namang iniulat na nasawi sa panig ng mga sundalo at mga miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu). (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest