Kinilala ng pulis-Parang ang mga nasawing biktima na sina Ronnie Saclot, nagnenegosyo ng isda at Hadji Ebrahim, lider ng extortion gang at nakapatay kay Saclot.
Samantala, nalambat naman ang isang tauhan ni Ebrahim na si Tongan Guiapar bago pa makatakas.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, unang binaril at napatay si Saclot ni Ebrahim makaraang tumangging magbigay ng protection money ang biktima sa fish cargo dock sa naturang lugar na nagresulta para sumiklab ang barilan ng magkabilang panig.
Dahil sa malapit ang Camp S.K. Pendatun at regional headquarters ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police sa pinangyarihan ng krimen ay mabilis namang rumesponde ang tropa ng militar at pulisya.
Sugatan naman ang apat na sibilyang sina Joel Saclot, Vanessa Zabala, Roxanne Joy Dagan at Rasmia Mawaraw, 9, na ngayon ay ginagamot sa Cotabato Regional Medical Center.
Kinumpirma naman ng pulisya na si Ebrahim, alyas Kagui Saitan at Kid, 45 ay sangkot sa malaking sindikato ng extortion na miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom gang.
Ayon sa record ng pulisya, si Saclot ay ika-46 na tao ang napatay na ni Ebrahim dahil sa tumatangging magbigay ng protection money. (Ulat ni John Unson)