Barilan: Trader, extortionist patay
April 17, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Dalawa-katao kabilang na ang isang negosyante ang kumpirmadong napatay sa maikling barilan sa pagitan ng tropa ng militar at grupo ng sindikato kahapon sa Parang, Maguindanao.
Kinilala ng pulis-Parang ang mga nasawing biktima na sina Ronnie Saclot, nagnenegosyo ng isda at Hadji Ebrahim, lider ng extortion gang at nakapatay kay Saclot.
Samantala, nalambat naman ang isang tauhan ni Ebrahim na si Tongan Guiapar bago pa makatakas.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, unang binaril at napatay si Saclot ni Ebrahim makaraang tumangging magbigay ng protection money ang biktima sa fish cargo dock sa naturang lugar na nagresulta para sumiklab ang barilan ng magkabilang panig.
Dahil sa malapit ang Camp S.K. Pendatun at regional headquarters ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police sa pinangyarihan ng krimen ay mabilis namang rumesponde ang tropa ng militar at pulisya.
Sugatan naman ang apat na sibilyang sina Joel Saclot, Vanessa Zabala, Roxanne Joy Dagan at Rasmia Mawaraw, 9, na ngayon ay ginagamot sa Cotabato Regional Medical Center.
Kinumpirma naman ng pulisya na si Ebrahim, alyas Kagui Saitan at Kid, 45 ay sangkot sa malaking sindikato ng extortion na miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom gang.
Ayon sa record ng pulisya, si Saclot ay ika-46 na tao ang napatay na ni Ebrahim dahil sa tumatangging magbigay ng protection money. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am