Sa naantalang ulat mula sa pulisya, nakilala ang mga biktimang sina Mari Joy Marata, 8; magpinsang Sony, 9 at Solomon Toling, 7, na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, sina Samuel Toling at Mary Grace Marata, kapwa 4-anyos ay mabilis naman nakalabas ng kanilang bahay bago pa lamunin ng apoy ang buong kabahayan.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, kasama sa tinupok ng apoy ay ang 18 sako ng palay ay mais at ilang lalagyan ng kerosene at krudo.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulis-Sipalay, lumalabas na natabig ng mga biktimang natutulog ang lampara na naging sanhi para magliyab ang sahig at tuluyang masunog ang bahay.
Kasunod nito, iniulat naman ng pulisya na isang 11-anyos na batang babae ang kumpirmadong nalunod makaraang halayin ng tinedyer sa Barangay Minapasok, Calatrava noong Abril 10, 2003.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Janet Perolina na namataang nakalutang sa ilog ng Caduyungan, samantala, nadakip ng pulisya ang suspek na pansamantalang itinago ang pangalan dahil sa menor-de-edad din at inamin nito ang nagawang krimen sa kanyang pinsang si Luciano Sumague. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)