^

Probinsiya

3 paslit naabo sa sunog

-
BACOLOD CITY – Tatlong menor-de-edad ang iniulat na nasawi makaraang masunog ang kanilang bahay na tinutuluyan sa Sitio Sa-an, Barangay Maricalum, Sipalay City noong Huwebes ng gabi, Abril 10, 2003.

Sa naantalang ulat mula sa pulisya, nakilala ang mga biktimang sina Mari Joy Marata, 8; magpinsang Sony, 9 at Solomon Toling, 7, na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Samantala, sina Samuel Toling at Mary Grace Marata, kapwa 4-anyos ay mabilis naman nakalabas ng kanilang bahay bago pa lamunin ng apoy ang buong kabahayan.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, kasama sa tinupok ng apoy ay ang 18 sako ng palay ay mais at ilang lalagyan ng kerosene at krudo.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulis-Sipalay, lumalabas na natabig ng mga biktimang natutulog ang lampara na naging sanhi para magliyab ang sahig at tuluyang masunog ang bahay.

Kasunod nito, iniulat naman ng pulisya na isang 11-anyos na batang babae ang kumpirmadong nalunod makaraang halayin ng tinedyer sa Barangay Minapasok, Calatrava noong Abril 10, 2003.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Janet Perolina na namataang nakalutang sa ilog ng Caduyungan, samantala, nadakip ng pulisya ang suspek na pansamantalang itinago ang pangalan dahil sa menor-de-edad din at inamin nito ang nagawang krimen sa kanyang pinsang si Luciano Sumague. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)

ABRIL

ANTONIETA B

BARANGAY MARICALUM

BARANGAY MINAPASOK

JANET PEROLINA

LUCIANO SUMAGUE

MARI JOY MARATA

MARY GRACE MARATA

SAMUEL TOLING

SIPALAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with