Walang buhay na iniwan ng sariling ama ang biktimang si Jayson Sisino, samantala, ang suspek na mabilis namang nalambat ay nakilalang si Celso Sisino, 30, walang trabaho.
Naitala ng pulisya ang malagim na krimen bandang alas-3 ng hapon habang ang biktima ay natutulog na mag-isa sa kanilang bahay.
Napag-alaman pa sa impormasyong nakalap ng pulisya na ang biktima ay iniwan ng ina sa asawa para bantayan, ngunit hindi naman akalaing mapatay ng sariling ama. (Ulat ni Ed Casulla)
Kinilala ni P/Supt. Mario dela Vega, hepe ng 305th Police Mobile Provincial Force, ang mga suspek na sina Fernando Villagonza, 27 ng Sapang Palay; Randy Dasmariñas, 29, ng Caloocan City at Sotero Diaz, 38, ng Nueva Ecija.
Ang pagkakadakip sa tatlo ay bunsod nang isinampang reklamo ng mga biktimang sina Ronald Clemencia, 27, driver ng trak; Aaron Trinidad, 18 at Elarton Jose, 21 na kapwa pahinante.
Narekober ng mga awtoridad ang hinaydyak na trak na naglalaman ng P.3-milyon kargamento at tatlong baril na nakasukbit pa sa baywang ng mga suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)
Dalawang tama ng bala ng kalibre.45 baril ang tumapos sa buhay ni Maximo Parin, 53, may asawa ng Barangay San Gabriel sa naturang lugar, samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilalang si Danilo Clamor.
Napag-alaman sa ulat ni PO1 Jojit Ramos na sinundo ng suspek ang biktima sa sariling bahay bandang alas-10 ng gabi at sa hindi nabatid na dahilan ay nagtungo ang dalawa sa naturang sementeryo bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Alberto M. Reyes, magsasaka ng nabanggit na barangay, samantala, ang dalawang adik na hindi naman agad nakilala ay naglahong parang bula sa dilim.
Ayon kay P/Supt. Benjamin dela Cruz, police chief sa Gapan City, naitala ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi makaraang madiskubre ang bangkay ng biktima.
May palagay ang mga imbestigador na hinarang ang biktima ng mga adik sa droga bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)