^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Totoy pinatay ng sariling ama
BATO, Camarines Sur – Isang tatlong taong gulang na batang lalaki ang iniulat na pinagtataga hanggang sa mapatay ng sariling ama na pinaniniwalaang nasiraan ng bait sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Payak sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Walang buhay na iniwan ng sariling ama ang biktimang si Jayson Sisino, samantala, ang suspek na mabilis namang nalambat ay nakilalang si Celso Sisino, 30, walang trabaho.

Naitala ng pulisya ang malagim na krimen bandang alas-3 ng hapon habang ang biktima ay natutulog na mag-isa sa kanilang bahay.

Napag-alaman pa sa impormasyong nakalap ng pulisya na ang biktima ay iniwan ng ina sa asawa para bantayan, ngunit hindi naman akalaing mapatay ng sariling ama. (Ulat ni Ed Casulla)
3 hijacker timbog sa Bulacan
KAMPO HEN ALEJO SANTOS, Bulacan –Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus haydyaker ng mga kargamento ang kumpirmadong nalambat ng mga awtoridad sa checkpoint na sakop ng Barangay Sampalok, San Rafael, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Mario dela Vega, hepe ng 305th Police Mobile Provincial Force, ang mga suspek na sina Fernando Villagonza, 27 ng Sapang Palay; Randy Dasmariñas, 29, ng Caloocan City at Sotero Diaz, 38, ng Nueva Ecija.

Ang pagkakadakip sa tatlo ay bunsod nang isinampang reklamo ng mga biktimang sina Ronald Clemencia, 27, driver ng trak; Aaron Trinidad, 18 at Elarton Jose, 21 na kapwa pahinante.

Narekober ng mga awtoridad ang hinaydyak na trak na naglalaman ng P.3-milyon kargamento at tatlong baril na nakasukbit pa sa baywang ng mga suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)
Barangay kagawad dinedo sa sementeryo
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad ng matalik na kaibigan sa loob ng sementeryo na sakop ng Barangay Dulong-Bayan, General Trias, kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng bala ng kalibre.45 baril ang tumapos sa buhay ni Maximo Parin, 53, may asawa ng Barangay San Gabriel sa naturang lugar, samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilalang si Danilo Clamor.

Napag-alaman sa ulat ni PO1 Jojit Ramos na sinundo ng suspek ang biktima sa sariling bahay bandang alas-10 ng gabi at sa hindi nabatid na dahilan ay nagtungo ang dalawa sa naturang sementeryo bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Barangay tanod itinumba ng 2 adik
GAPAN CITY, Nueva Ecija – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 38-anyos na barangay tanod ng dalawang adik sa droga habang ang biktima ay nagroronda sa Barangay Makabaklay sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Alberto M. Reyes, magsasaka ng nabanggit na barangay, samantala, ang dalawang adik na hindi naman agad nakilala ay naglahong parang bula sa dilim.

Ayon kay P/Supt. Benjamin dela Cruz, police chief sa Gapan City, naitala ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi makaraang madiskubre ang bangkay ng biktima.

May palagay ang mga imbestigador na hinarang ang biktima ng mga adik sa droga bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AARON TRINIDAD

ALBERTO M

BARANGAY

BULACAN

CENTER

NUEVA ECIJA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with