^

Probinsiya

2 parak todas sa ambus

-
Dalawang kagawad ng pulisya ang tinambangan at napatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkahiwalay na bayan sa Laguna at Quezon kamakalawa.

Nakilala ang dalawang pulis na napatay na sina SPO1 Nierelito Salvatus, 42, nakatalaga sa Quezon provincial police service platoon sa Camp Nakar, Lucena City, residente ng Sitio Iringan, Barangay Ibabang Palsabangon sa bayang ito at si PO3 Ramon Manalo, 31, intelligence officer sa Southern Tagalog Regional Police Office sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.

Base sa ulat, si Salvatus ay nagmamaneho ng kanyang owner-type jeep (DVN-242) sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Silangan Malicoby, Pagbilao nang harangin ng mga armadong kalalakihang sakay ng kulay berdeng Besta van dakong alas-4:30 ng madaling-araw ng Sabado.

Isang nagngangalang Johnny Merle ang sumaklolo at nagdala sa ospital kay Salvatus pero idineklarang patay dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Hindi pa nareresolba ng kapulisan ang pananambang kay Salvatus ay isinunod naman si Manalo na aktong papasakay sa kanyang kotseng nakaparada sa gilid ng national highway na sakop ng Barangay Turbina, Calamba City, Laguna dakong alas-5:30 ng umaga noong Linggo.

Ayon pa sa ulat, si Manalo ay kalalabas pa lamang ng kainan matapos na makipagpulong sa isang asset nang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.

Sa kasalukuyan ay blanko pa rin ang mga imbestigador sa naganap na krimen. (Ulat nina Tony Sandoval/Cecile Tutor at Ed Amoroso)

BARANGAY IBABANG PALSABANGON

BARANGAY SILANGAN MALICOBY

BARANGAY TURBINA

CALAMBA CITY

CAMP NAKAR

CAMP VICENTE LIM

CECILE TUTOR

ED AMOROSO

JOHNNY MERLE

LUCENA CITY

SALVATUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with