4 patay sa road mishap
April 15, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Apat-katao ang iniulat na nasawi makaraang araruhin ng trak ang dalawang traysikel na sinasakyan ng mga biktima na bumabagtas sa kahabaan ng Barangay San Juan Dos, General Trias kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Salvador Sanchez, 32; Roberto Cathedral, 22, kapwa drayber ng traysikel; Teody Baltoribio, 33 at Jayson Guerta, 22, pawang residente ng Barangay Pasong Camachile Dos sa naturang lugar.
Nakakulong naman ang drayber ng trak (UHB-631) na si Jose Medina, 42, ng Barangay Manggahan, General Trias.
Napag-alaman sa ulat ni PO1 Jojit Ramos, naganap ang aksidente dakong alas-11:30 ng gabi.
Bumabagtas na magkasunod ang dalawang traysikel sa nabanggit na barangay sakay ang kanilang pasahero nang biglang sumulpot ang trak.
May teorya ang mga imbestigador ng traffic division na hindi napuna ng drayber ng trak ang dalawang traysikel kaya naganap ang aksidente. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 6 hours ago
By Cristina Timbang | 6 hours ago
By Tony Sandoval | 6 hours ago
Recommended