NPA bumanat: 2 patay, 3 grabe
April 14, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawa-katao ang kumpirma-dong nasawi, samantala, tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang salakayin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang maliit na presinto ng pulisya sa Barangay San Antonio, Arayat, Pampanga kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang namatay na sina Freddie Briones, 47, kasapi ng Civilian Volunteers Organization (CVO) at Francis Sablan, 23, sibilyan ng Fedela Subdivision, Phase 2, Plazang Luma ng naturang lugar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon na ipinarating kahapon sa Camp Crame, si Briones ay tinamaan ng mga shrapnel mula sa inihagis na granada, samantala, si Sablan naman ay nahagip ng bala sa naganap na palitan ng putok.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Arayat District Hospital sina SPO1 Cenon Salanga, Benigno de Leon, barangay kagawad at Ro- land Lopez, kasapi rin ng CVO.
Sakay ng trak ang grupo ng NPA saka sumalakay sa maliit na presinto ng pulisya ganap na alas-9:30 ng gabi bago sunud-sunod na nagpaulan ng bala ng malalakas na kalibre ng baril.
Wala namang nagawa ang mga pulis laban sa mga rebelde dahil sa malalakas na armas ng mga ito hanggang sa mapasok ang presinto at tangayin ang tatlong M-16 rifles at M-14 bago nagsitakas. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended