Barangay chairman pinatay sa graduation ng anak
April 14, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng hindi pa nakikilalang lalaki makaraang dumalo sa graduation ng sariling anak sa Gerona, Tarlac kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa Talon General Hospital ang biktimang si Arsenio Alonzo, 55, ng Barangay Bartolome ng naturang lalawigan.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi sa likurang bahagi ng Sulipa National High School.
Ayon pa sa ulat, ginaganap ang graduation ceremonya ng anak nang sumandaling umalis ang biktima sa kinauupuan para umihi sa likurang bahagi ng eskuwelahan.
Dito na nilapitan ng hindi kilalang lalaki ang biktima bago isinagawa ang pamamaslang.
Nagawa pang humingi ng saklolo ang biktima sa mga dumalo sa graduation ceremony na nagdala sa naturang ospital, ngunit idineklarang patay dahil sa malalalim na tusok ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest