Sawa na sa hirap, misis nagbigti
April 12, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Isang ginang ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti matapos umanong hindi na nito makayanan ang sobrang kahirapan sa buhay kamakalawa ng gabi sa Bacoor.
Ang biktima ay nakilalang si Imelda Soriano, 34, may 5 anak at nakatira sa 81-G Bgy. Talaba 1, Bacoor.
Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-10 ng gabi ng matagpuan ang biktima ng anak nito na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na bago naganap ang pangyayari ay kinausap pa nito ang kanyang 5 anak na magtungo muna ang mga ito sa kanilang lola upang manood ng t.v. hanggang sa makita na lamang nilang nakabigti ang una ng silay umuwi.
Sinabi naman ng mister ng biktima na posibleng hindi nakayanan ng kanyang misis ang sobrang paghihirap nila sa buhay kaya ipinasya nitong magpakamatay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest