2 lalaki nag-suicide

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Dalawang mister na pinaniniwalaang may matinding problema sa buhay ang iniulat na nag-suicide sa magkahiwalay na bayan sa Cavite kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Pedro Dela Cruz, 37 ng Barangay Santiago, General Trias at Gerry Delos Reyes, 23 ng Barangay Luzviminda, Dasmariñas.

Sa ulat ng pulisya, si Dela Cruz na pinalalagay na may malaking problema sa trabaho ay nadiskubreng nakabitin sa kanilang bahay dakong alas-11:45 ng umaga.

Samantala, si Delos Reyes naman na pinaniniwalaang iniwan ng asawa’t anak ay natagpuang nakabitin sa punong kahoy sa likurang bahagi ng kanilang bahay bandang alas-8 ng gabi. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments