Kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek na si Johnny Hencho na residente ng Sitio Morales, Barangay Santralan, Surara ng naturang lalawigan.
Sinabi ni P/Chief Insp. Abelardo Toledo, hepe ng Task Force Cervantes, bandang alas-6:30 ng gabi nang salakayin ang pinagkukutaan ni Hencho matapos na makumpirma ang impormasyong nakalap laban sa suspek.
Inireklamo naman ng pamilya ni Hencho na iligal ang pag-aresto sa suspek dahil walang kaukulang warrant of arrest ang Task Force Cervantes.
Unang nadakip ng mga awtoridad ang tatlong suspek na sina Jaime Centeno, Orlando Torres at Joseph Mostralles, samantala, pinaghahanap naman sina Sonny Camacho at P/Supt. Rafael Cardeño, dating opisyal ng LTO na pinaniniwalaang utak sa krimen.
Magugunitang pinaslang si Cervantes sa Las Piñas City noong Disyembre 31, 2001 makaraang magbunyag ng mga anomalya sa Land Transportation Office (LTO) at tangkang kudeta laban sa administrasyong Arroyo. (Ulat ni Danilo Garcia)