Killer ni Baron Cervantes nasakote
April 11, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Nadakip na ng mga elemento ng PNP Task Force Cervantes ang killer ni dating Young Officers Union (YOU) spokesman Army Capt. Baron Cervantes makaraang magsagawa ng operasyon sa pinagkukutaan nito kamakalawa ng gabi sa South Cotabato.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek na si Johnny Hencho na residente ng Sitio Morales, Barangay Santralan, Surara ng naturang lalawigan.
Sinabi ni P/Chief Insp. Abelardo Toledo, hepe ng Task Force Cervantes, bandang alas-6:30 ng gabi nang salakayin ang pinagkukutaan ni Hencho matapos na makumpirma ang impormasyong nakalap laban sa suspek.
Inireklamo naman ng pamilya ni Hencho na iligal ang pag-aresto sa suspek dahil walang kaukulang warrant of arrest ang Task Force Cervantes.
Unang nadakip ng mga awtoridad ang tatlong suspek na sina Jaime Centeno, Orlando Torres at Joseph Mostralles, samantala, pinaghahanap naman sina Sonny Camacho at P/Supt. Rafael Cardeño, dating opisyal ng LTO na pinaniniwalaang utak sa krimen.
Magugunitang pinaslang si Cervantes sa Las Piñas City noong Disyembre 31, 2001 makaraang magbunyag ng mga anomalya sa Land Transportation Office (LTO) at tangkang kudeta laban sa administrasyong Arroyo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
4 hours ago
Recommended