Kinilala ni P/Chief Insp. Belarmino de los Santos, ang nasabugan ng bomba na si Ben-Hur Abdul at nasakote sa pinagdalhang ospital, samantala, ang kasamahan nito ay mabilis naman tumakas.
May kumalat na ulat na tatlong sibilyan ang nasawi sa naganap na pagsabog at kasalukuyan pang inaalam ang pagkikilanlan.
Tinatanong naman ng mga awtoridad ang ilang opisyal ng Islamic Institute of Science and Technology na tumatanggap ng pera mula sa Gitnang Silangan at isa sa nagpapatakbo ng mosque.
May palagay si De los Santos na ang inaasembol na bomba sa loob ng mosque ay para itanim sa ibang lugar pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang sumabog. (Ulat ni Danilo Garcia)