^

Probinsiya

Terorista grabe sa sumabog na bomba

-
PAGADIAN CITY – Pinaniniwalaang kasapi ng lokal na terorista ang isang 20-anyos na lalaking malubhang nasugatan makaraang sumabog ang bomba na kanyang inaasembol sa loob ng mosque sa Barangay Banabe sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Belarmino de los Santos, ang nasabugan ng bomba na si Ben-Hur Abdul at nasakote sa pinagdalhang ospital, samantala, ang kasamahan nito ay mabilis naman tumakas.

May kumalat na ulat na tatlong sibilyan ang nasawi sa naganap na pagsabog at kasalukuyan pang inaalam ang pagkikilanlan.

Tinatanong naman ng mga awtoridad ang ilang opisyal ng Islamic Institute of Science and Technology na tumatanggap ng pera mula sa Gitnang Silangan at isa sa nagpapatakbo ng mosque.

May palagay si De los Santos na ang inaasembol na bomba sa loob ng mosque ay para itanim sa ibang lugar pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang sumabog. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY BANABE

BELARMINO

BEN-HUR ABDUL

CHIEF INSP

DANILO GARCIA

GITNANG SILANGAN

ISLAMIC INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

KINILALA

PINANINIWALAANG

TINATANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with