^

Probinsiya

7 sugatan sa atake ng MILF rebels

-
KAUSWAGAN, Lanao del Norte – Umaabot sa pitong sibilyan ang iniulat na nasugatan makaraang magpaulan ng rifle grenade ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kabahayan sa Upper Kawit sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Ang mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng shrapnel sa katawan ay nakilalang sina Rosie Jenon, 34; Jonwen Jenon, 17; Jonalyn Jenon, Vencio Fuentes, Junie Ceno at Jocelyn Culita, samantala, nasa kritikal naman kondisyon si Jimmy Lumulho na ginagamot ngayon sa Cagayan de Oro City.

Bandang alas-2 ng madaling-araw nang salakayin ng mga rebelde ang naturang lugar hanggang sa magresponde ang tropa ng Army’s 28th Infantry Battalion at Police Regional Mobile Group na umabot sa national highway ang bakbakan.

Nagsitigil naman ang mga bumibiyaheng pampasaherong sasakyan at nagpulasan ang pasahero para iwasan ang banatan ng tropa ng militar at mga rebelde.

Itinaon ng mga rebelde ang pagsalakay habang naghahanda ang mga residente sa annual fiesta sa darating na linggo at ang pagdaraos ng Palarong Pambansa sports event sa Lanao del Norte sa darating namang buwan. (Ulat ni Lino Dela Cruz)

vuukle comment

INFANTRY BATTALION

JIMMY LUMULHO

JOCELYN CULITA

JONALYN JENON

JONWEN JENON

JUNIE CENO

LANAO

LINO DELA CRUZ

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with