^

Probinsiya

3 pang Davao bombers natiklo

-
CAMP AGUINALDO – Tatlo pang kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa pambobomba sa waiting shed ng Davao International Airport at Sasa wharf ang nasakote ng mga elemento ng militar at pulisya sa isinagawang pagsalakay sa kanilang bahay sa Davao City kamakalawa ng umaga.

Iprinisinta sa mga mamamahayag ni AFP Chief of Staff General Narciso Abaya, ang mga suspek na sina Esmael Usop Mamalakas, alyas Mike; Jimmy Balolao, alyas Jim at Teng Edar, alyas Teng.

Dahil sa nakalap na intelligence report ng mga awtoridad laban sa mga suspek ay agad na kumuha ng warrant of arrest sa korte.

Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dala ang warrant of arrest na ipinalabas ni Davao Regional Trial Court Judge Paul Arcangel, Branch 12, ng tropa ng 6th Infantry Division at Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) nang salakayin ang bahay ng mga suspek.

Bandang alas-7 ng umaga nang makorner ng mga militar at pulisya ang tatlo sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Naunang inaresto sina Esmael Akmad, alyas Toto at Jobi Bagundang Fermin, alyas Tohame Urong sa Cotabato City na iniuugnay sa grupo ng Jemaah Islamiyah, terror network ni Osama bin Laden sa Asya.

Magugunitang, pinasabog ang waiting shed sa Davao International Airport noong Marso 4, 2003 na ikinasawi ng 21-katao, samantala, hindi pa nagtatagal ay pinasabog naman ang Sasa wharf noong Abril, 2, 2003 na ikinasawi ng 16-katao. (Ulat ni Danilo Garcia)

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF GENERAL NARCISO ABAYA

COTABATO CITY

DANILO GARCIA

DAVAO CITY

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

DAVAO REGIONAL TRIAL COURT JUDGE PAUL ARCANGEL

ESMAEL AKMAD

ESMAEL USOP MAMALAKAS

INFANTRY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with