Lola todas sa salpok ng trike

LUCENA CITY, Quezon – Binawian ng buhay sa Quezon Memorial Hospital ang isang 68-anyos na lola makaraang masalpok ng traysikel habang ang matanda ay tumatawid sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Maura Magpantay ng Greenhills, Phase II, Marketview Subdivision ng naturang lugar, samantala, ang drayber na si Edmond Monares, 23 ng Barangay Tres ng nasabing lungsod ay kasalukuyang nakapiit matapos maganap ang aksidente dakong alas-4:15 ng hapon.

Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Danny Ramon Siongco, hepe ng pulisya sa naturang lungsod, hindi marahil napuna ng matanda ang rumaragasang traysikel kaya bigla itong tumawid na naging sanhi ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments